🔆 KAPAYAPAAN AT PAGASA
📖 ROMANS 5:3-4
👉 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.
💡 Punong puno ng pagasa ang isang tao kung siya ay patuloy na nananampalataya sa Diyos. Ang pagtitiis natin sa hirap nung una ay mapapalitan ng kagalakan dahil pinagtibay ka ng Diyos dahil sa iyong pananampalataya. At dahil sa Diyos tayo ay may pagasa, sa Diyos din ay may kapayapaan.
👍 Kaya patuloy lang tayo sa pagsunod sa Diyos dahil hinding hindi tayo maliliko sa kanyang mga daan, ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay ating maaasahan sa kanya, at doon ay KAPAYAPAAN.
🙏 Oh, Ama naming Diyos na pinakadakila at lumikha sa Lahat, kami po ay umaasa sa iyo sapagkat alam namin na sa piling mo kami ay magiging payapa. Kaya Ama, sa oras man na kami ay nahihirapan dalangin namin ang iyong gabay upang ito'y aming malampasan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Comments
Post a Comment